Marcelino Escalada Jr

Marcelino Escalada Jr, itinalaga bilang acting Secretary General ng HUDCC

National News

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Marcelino Escalada Jr.

Bilang acting Secretary General ng Housing and Urban Development Coodinating Council o HUDCC.

Ngayon araw, inilabas na ng Malacañang ang memorandum mula kay executive secretary Salvador Medialdea na nagtatalaga kay Escalada.

Papalitan nito ang sinibak ni Pangulong Duterte na si Falconi Millar dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Una nang sinabi ni Medialdea na “designation” lamang ito ni Escalada para gampanan ang pagiging HUDCC secretary-general.

Kasabay ito ng pagiging National Housing Authority General Manager ni Escalada.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *