climate change report

Trump, hindi pinaniwalaan ang bagong climate change report

International News International.

PINAGDUDAHAN ni U.S. President Donald Trump ang climate change report na isinapubliko ng kanyang administrasyon.

Ayon sa nasabing report ay aabot ng daan-daang bilyong dolyar ang mawawala sa ekonomiya ng U.S.

Ito ay pagkatapos ng isandaang taon kung hindi kikilos ang buong Amerika na bawasan ang greenhouse gases emissions.

Kungsaan ito ay nagdudulot ng polusyon sa hangin.

Noong Oktubre ay sinabi ni Trump na political agenda lamang ang nasabing report.

At kumalas ito sa Paris Climate Change Agreement na binubuo ng 187 bansa na nangakong tutulong pababain ang rising global temperatures.

Aniya ay gusto niya ng panibagong kasunduan kung saan hindi malulugi ang mga negosyante at empleyado sa U.S. dahil sa nasabing agreement.

 

TRISHA MOLINA

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *