Korte Suprema

Associate Justice Bersamin, bagong Chief Justice ng Korte Suprema

National News

MAY napili nang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa katauhan ni Associate Justice Lucas Bersamin na isa sa senior member ng Kataas-Taasang Hukuman.

Papalitan ni Bersamin ang nagretirong si Teresita Leonardo-de Castro na nagsilbing chief justice sa loob ng 41 isang araw.

Bago maging Associate Justice si Bersamin ay nagsilbing presiding judge ng Quezon City Regional Trial Court Branch 96.

Naging Associate Justice din ng Court of Appeals.

Tatagal naman ang panunungkulan ni Bersamin hanggang sa Oktubre ng 2019 kung saan aabutin nito ang mandatory age retirement.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *