Deportasyon

Deportasyon ng mga Chinese sa bansa, ipinanawagan

National News

IPINANAWAGAN ng mga miyembro ng kritiko ng pamahalaan ang agarang deportasyon ng mga illegal Chinese workers sa bansa.

Kailangang matutukan ng maayos ng gobyerno ng Pilipinas ang isyu ng korapsiyon sa bansa.

Para tingnan ang umanoy pagdami ng mga illegal Chinese workers na nakakapasok sa bansa.

Ayon ito kay Oposisyon Koalisyon Senatorial Candidate at dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay.

Aniya, may rason ang gobyerno kung bakit hinahayaan nitong huwag sitahin ang mga iligal na banyaga sa bansa.

Ayon naman kay Magdalo Rep. Gary Alejano, hindi kailangan ng away o giyera laban sa China.

Pero iginiit nito ang agarang pagpapatalsik sa mga illegal Chinese sa bansa kung kinakailangan.

Isa rin sa tinutukoy ng miyembro ng oposisyon ang 2/3 anila ng mga nahuling sindikato sa droga ay kinasasangkutan ng mga Tsinoy.

Bagaman naniniwala ang Oposisyon Koalisyon na maghinay-hinay sa mga kritisismo nito laban sa China.

Pero hangga’t may nakikita silang mali ay hindi nito palalampasin at kalampagin ang gobyerno.

Ayon sa tala ni Alejano, may tinatayang 100, 000 Pinoy workers ang nasa China.

Sinasabing maaaring maapektuhan sa isyu ng deportasyon sa mga illegal Chinese worker sa bansa.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *