pork barrel

May pork barrel sa panukalang 2019 national budget

National News

PINANINDIGAN ni Senador Panfilo Lacson ang kanyang alegasyon na pork barrel ang inilaang P60M sa bawat miyembro ng Kamara.

Ito ay sa panukalang 2019 National Budget.

Kasunod ito ng pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. na hindi pork ang pondo.

Aniya ay para ito sa pet projects ng mga kongresista sa kanilang mga distrito.

Pinayuhan ni Lacson si Andaya at iba pang kongresista na basahin ang buong ruling ng Korte Suprema.

Nagdedeklara umano ito na “unconstitutional” ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Pork Barrel.

Giit ng senador, hindi lang post legislation laban sa pre-legislation ang depinisyon ng pork barrel.

Ipinunto ni Lacson na may implikasyon ang hatiang tig-P60M sa bawat kongresista.

At tinukoy nito na grave abuse of discretion ang lahat ng informal practices, alinsunod sa bahagi ng nasabing ruling.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *