UP Fighting Maroons

UP Fighting Maroons nagbabalik sa UAAP Finals

Sports

MAKALIPAS ang 32 taon ay muling makakatungtong ang UP Fighting Maroons sa UAAP Finals.

Ito ay matapos paluhurin ng University of the Philippines ang Adamson University Soaring Falcons sa kanilang overtime win sa iskor na 89-87.

Sa isinagawang Do-or-Die Semifinal Showdown kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpakitang gilas si Jeron Lastimosa nang isalpak nito ang three points sa nalalabing 2.6 seconds ng regulation.

Upang dalhin ng UP sa overtime ang laro.

Sunod na makakaharap ng UP Fighting Maroons ang defending champion na Ateneo Blue Eagles sa Best-of-Three title series.

Gaganapin ang Game One (1) sa Sabado, December 1 sa lungsod ng Pasay.

 

DZAR1026

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *