MNLF

5 MNLF members, patay sa pananambang sa Cotabato

Regional

PATAY ang limang miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF -Misuari Group.

Habang dalawa ang nawawala matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa lalawigan ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina George Dilangalen,Tata Angeles, Doring Panga, Jomer Intol Sultan, at Samsudin Dilangalen.

Natukoy naman ang dalawang nawawala na sina Datu Ali Sultan at Suharto Dilangalen.

Pawang residente ang mga ito ng Barangay Kibudoc, Matalam, North Cotabato.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente habang sakay ang mga biktima sa dalawang motrosiklo patungo sa kanilang sakahan.

Ngunit pinagbabarilin ang mga biktima ng mga armadong kalalakihan gamit ang M14 at M16 armalite rifles.

Sa inilunsad na pursuit operation, apat sa mga suspek ang nahuli na ng militar at pulis.

Awayan sa lupa ang tinitingnan motibo sa pananambang.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *