Christmas train ng

Christmas train ng LRT-1, bumiyahe na

Metro Manila Metro News National News

BUMIYAHE na ang Christmas train ng Light Trail Transit Line (LRT)-1 isang araw bago ang buwan ng Disyembre.

Nitong Biyernes, Nobyembre 30 nang unang bumiyahe ang Christmas train sakay ang nasa 50 kabataan.

Kinukupkop ang mga ito ng Hospicio de San Jose at Pangarap Foundation.

Nais ng pamunuan ng LRT-1 na iparamdam sa kanilang mga commuters ang diwa ng pasko.

Makikita sa loob ng Christmas Train ang mga parol, christmas balls at mga dahon ng pine tree.

Habang sa bintana nito ay may mga larawan ng iba’t-ibang simbahan sa Pilipinas at mga tourist attractions sa Metro Manila.

Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) President at CEO Juan Alfonso, ang Christmas Train ay bahagi rin ng kanilang “Ikot Manila” campaign.

Upang mahikayat ang marami na sumakay ng train para mag-ikot sa iba’t-ibang lugar sa Kamaynilaan.

Ang Christmas Train ay inaasahang bibiyahe sa buong buwan ng Disyembre.

Mula sa Roosevelt, Quezon city hanggang sa Baclaran, Parañaque City at pabalik.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *