Mga Economic manager

Mga Economic manager hinikayat na tuparin ang pangako

Business National News

NANAWAGN si Senador Win Gatchalian sa mga Economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, tuparin ang pangako base sa kanilang napagkasunduan noon sa pagpupulong.

Ayon sa napagkasunduan, sususpindehin ang excise tax sa petroleum products sa taon 2019.

Ikinababahala ng senador na tiyak na tataas muli ang inflation rate.

Kapag ipinagpatuloy ang karagdagang P2 excise tax sa petroleum products sa 2019.

Ipinunto pa ng senador sa kanilang pagpupulong noon sa economic managers.

Tiniyak sa kanila na kahit magpatuloy ang pagbaba ng krudo sa pandaigdigang merkado tuloy pa rin ang suspensyon sa karagdagang buwis sa petrolyo.

Kung kayat dapat na tuparin ito ng mga economic managers ng Pangulong Duterte.

Iginiit pa ni Gatchalian na wala sa timing ang karagdagang P2 excise tax sa petroleum products.

At tiyak na babagal ang paglago ng economiya dahil sa pagbaba ng consumption sa taas ng bilihin.

Ginawa naman ni Gatchalian ang pahayag matapos muling imungkahi ng economic managers.

Kungsaan iminungkahi na ituloy ang dagdag buwis sa produktong petrolyo sa 2019.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *