Rappler Holdings

Rappler Holdings CEO, naglagak ng piyansa

National News

NAGPIYANSA na si Rappler Holdings Ceo Maria Ressa sa Pasig Regional Trial Court para sa kanyang kasong tax evasion.

Kasunod ito ng inisyung arrest warrant ni Judge Danilo Buemio ng Pasig RTC Branch 265 Laban kay Ressa.

Dahil sa paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Kabuuang P60, 000 ang inilagak na piyansa ng mamahayag para sa kanyang pansamantalang kalayaan at makaiwas sa aresto.

Itinakda naman ng korte ang arraignment kay Ressa sa Disyembre 7, alas 8:30 ng umaga.

Matatandaang Nobyembre 14 nang sampahan ng limang magkakahiwalay na kasong tax evasion ng Department of Justice si Ressa.

Kabilang sa sinampahan ang Rappler Holdings Corporation (RHC) sa Pasig Court.

Una nang sinabi ni Ressa na kumbinsido siyang may bahid na pulitika ang pagsasampa ng kaso sa kanya at isa itong harrassment.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *