Satur Ocampo

Satur Ocampo, itinangging nagre-recruit sila ng mga menor de edad

National News

ITINANGGI ni dating Bayan Muna Party-List Representative Satur Ocampo ang alegasyon ng AFP.

Na nagre-recruit sila ng mga menor de edad para sumama sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Tinukoy ni Ocampo ang patakaran ng CPP-NPA laban sa recruitment ng mga bata kaya’t hindi ito maaring maging parte ng programa.

Dagdag nito, may mga Lumad na sumama sa NPA subalit hindi aniya sila mga menor de edad.

Inamin naman ng dating kongresista na may presensya ng mga komunistang rebelde sa loob ng mga komunidad ng mga Lumad.

Iginiit din ni ocampo na tinatarget ng tropa ng pamahalaan ang mga lumad school bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa komunistang grupo.

Pansamantalang nakalaya noong Sabado si Ocampo, Castro at labing anim na iba pang indibidwal.

Matapos makapag-piyansa ng tig-P80,000 sa mga kinakaharap na kasong human trafficking at kidnapping.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *