Fare rollback

Fare rollback para sa mga PUJ, epektibo ngayong araw

National News

NILINAW ng LTFRB na hindi sakop ang mga bus, taxi at UV Express sa provisional fare rollback na epektibo ngayong araw.

Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin, ang rollback na P9 ay para lamang sa Public Utility Jeepney (PUJ).

Sa hanay ng land transport ay tanging ang PUJ ang may mas mababang capitalization kumpara sa mga taxi at bus.

Ayon ito sa paliwanag ni Jardin.

Bumibili din aniya ng malakihan na gasolina o diesel ang mga taxi at bus kaya nagkakaroon ang mga ito ng discount.

Kahapon, inanunsyo ng LTFRB ang pagbabalik sa P9 ang minimum na pasahe sa jeep

Mangyayari ito sa NCR, Region 3 at 4 dahil sa patuloy na pagbaba ng produktong petrolyo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *