Human Rights Defenders Bill

Human Rights Defenders Bill, lusot na sa Committee Level

National News

APRUBADO na ng House Committee on Human Rights ang Human Rights Defenders Bill.

Ito ang panukalang nag-oobliga sa mga ahensya ng gobyerno na aksyunan sa loob ng 3 araw.

Ang kaugnay sa mga reklamo ng paglabag sa mga karapatang pantao.

Inilatag din sa panukala ang mga karapatan na ibinibigay sa mga tinaguriang human rights defenders.

Gayundin ang pag protekta sa kanila mula sa karahasan, pagbabanta, paghiganti, deskriminasyon o anumang uri ng pressure.  

Walang naging pagtutol mula sa mga miyembro ng komite ang pagpapatibay ng panukala.

Iniakda ito ng mga miyembro ng Makabayan Bloc at ilan pang kongresista.

Ikinatuwa naman ni Commission on Human Rights Chairperson Chito Gascon ang pagpasa ng bill.

Kauna-unahan ang naturang panukala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Asya.

Maghahatid din aniya ito ng malakas na mensahe na epektibo ang mekanismo para sa human defenders.

At magkakahulugan na muling nabuhay sa Pilipinas ang pagprotekta sa karapatang pantao.

Dagdag pa nito, ang “three-day response time” ay importanteng probisyon para matiyak na hindi nalalabag ang human rights.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *