full scale security exercise

NAIA CMO, nagsagawa ng full scale security exercise

Metro Manila Metro News

NAGSAGAWA ng full scale security exercise ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Crisis Management Organization (CMO).

Isinagawa ito sa NAIA Terminal 3 VIP parking area.

Ito ay para masukat ang kanilang kahandaan sakaling magkaroon ng bombing incident sa paliparan.

Binubuo ang CMO ng NAIA Crisis Management Committee (CMC) at Critical Incident Management Task Group (CIMTG).

Ang CMC, ay isang governing body o namamahala sa paggawa ng strategic decisive actions upang malutas ang bomb explosion crisis.

Ito ay pinangungunahan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *