Otis Bridge sa Paco

Otis Bridge sa Paco, Maynila, bukas na ulit sa mga motorista

Metro Manila Metro News

MULING binuksan sa mga motorista ang Otis Bridge sa Paco, Maynila matapos isara sa loob ng mahigit limang buwan.

Pinangunahan ni DPWH Secretary Mark Villar ang inagurasyon ng tulay kasama ang ilang opisyal ng gobyerno.

Hunyo 26 nang isara ang 80-metrong habang tulay para isailalim sa rehabilitasyon matapos makitaan ng mga bitak at posibleng pagguho nito.

Ipinaalala naman ng DPWH na tanging light vehicles lamang ang maaring dumaan sa tulay at hindi maari ang mga trak.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *