Revilla

Dating Sen. Revilla kumpiyansang mapapawalang-sala rin sa iba pang kaso

National News

NANINIWALA si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na mapapawalang-sala rin siya sa mga kasong graft na kinakaharap din sa Sandiganbayan.

Ito ay matapos mapawalang-sala ng anti-graft court ang dating senador sa kasong plunder.

Sa ngayon ay may 16 pang bilang ng graft charges na kinakaharap si Revilla sa Sandiganbayan.

A kaugnay sa anomalya sa Priority Development Assistance Fund.

Sinabi pa ni Revilla na malakas ang loob niyang maaabswelto rin siya sa natitirang mga kaso.

Ipinauubaya na ni Revilla sa kaniyang mga abogado ang kaso at umaasang kakatigan din siya ng mga mahistrado.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *