Handover ng Balangiga Bells

Handover ng Balangiga Bells pangungunahan ni Pang. Duterte

National News

INAASAHANG pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang handover ng Balangiga Bells sa pagdating sa bansa bukas Disyembre 11.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, excited na sila sa pagdating ng mga kampana.

Ang naturang kampana ay nagsilbing war trophies ng mga Amerikanong sundalo.

Patunay ng matibay na alyansa ng Pilipinas at United States (US) ang pagsasauli ng Balangiga bells.

Nagpasalamat din si Panelo sa Estados Unidos dahil sa pagpayag nito sa hiling ni Pangulong Duterte.

Kungsaan hiniling ng pangulo sa Amerika na maibalik sa bansa ang mga kampana.

Idi-display naman ang mga kampana sa St. Lawrence sa Martyr Parish Church sa Balangiga, Eastern Samar.

 

DZAR1026

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *