NCRPO

NCRPO bigong maaresto si Sen. Trillanes

National News

NABIGO ang National Capital Regional Police Office o NCRPO na arestuhin si Senador Antonio Trillanes IV.

Kaugnay sa warrant of arrests na inilabas ng isang korte sa Davao City.

Ito ay matapos igiit ni Trillanes na sa ilalim ng konstitusyon, hindi siya maaaring arestuhin.

Dahil sa immunity hangga’t nasa sesyon ang Kongreso.

Nagtungo sa Senado sa Pasay City ang mga tauhan ng NCRPO.

At nakipag-ugnayan sa Sgt. at Arms ng mataas na kapulungan ngunit wala sa gusali ang senador.

Una nang kinumpirma ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na hawak na nila ang warrant of arrest laban kay Trillanes.

Para sa apat na bilang ng kasong libelo na isinampa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Isinampa ang naturang kaso sa Branch 54 ng Davao City Regional Trial Court.

Ayon kay Eleazar, handa naman ang NCRPO na ilagay sa kustodiya ang senador tulad ng sinabi niya.

Upang magpiyansa sa korte ngayong Lunes.

Nag-ugat ang kasong libelo matapos akusahan ni Trillanes ang nakababatang Duterte.

Aniya ay sangkot umano ito sa pagpupuslit ng bilyun-bilyong halaga ng shabu sa bansa at pangongotong sa “ride-sharing firm” na Uber.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *