Parked pork

Parked pork sa panukalang 2019 national budget, tatanggalin

National News News & Update

TATANGGALIN ng Senado ang anumang Parked pork mula sa panukalang 2019.

Kapag bumalik na sila sa sesyon sa Enero sa susunod na taon.

Ito ang kinumpirma ni Senador Loren Legarda, chairperson ng Senate Finance Committee.

Kasunod na rin ng mga alegasyon ni Senador Panfilo Lacson sa nasabing scheme.

Kung saan inilalagay muna ng mga mambabatas ang unitemized funds sa ibang distrito kapalit ang paggamit ng piniling contractor.

Sinabi ni Legarda na nais niyang malaman ang iba pang detalye hinggil ditto.

At sisiguraduhin niyang hindi na ito mangyayari dahil lahat dapat ng mga proyekto ay dapat pakinabangan ng taumbayan.

Una na ring inihayag ni Lacson na titingnan niya ang kaparehong realignments sa proposed 2019 budget at susubukan niyang alisin ito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *