Hirit ni

Hirit ni Jinggoy Estrada na bumiyahe, pinayagan

National News

PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Senador Jinggoy Estrada na makabiyahe sa ibang bansa.

Para sa limang araw na family vacation at doon ipagdiwang ang holidays.

Sa desisyon ng Fifth Division ng Anti-Graft Court, pinahihintulutan si Estrada na makapunta sa Hong Kong.

Ito ay mula sa Disyembre 26 hanggang Disyembre 31.

Sinabi ng dating senador na nais niya makasama ang kanyang pamilya ngayong holiday.

At makapag-relax sa pressure sa kanyang pre-campaign efforts para sa 2019 elections.

Si Jinggoy ay patuloy na nililitis sa kasong plunder at graft kaugnay sa porked barrel scam.

Pero nakapagpiyansa noong Setyembre kaya pansamantalang nakalaya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *