Administrasyong Duterte

Administrasyong Duterte planong magpokus sa agrikultura sa 2019

National News

INIHAYAG ni Finance Sec. Carlos Dominguez na plano ng Administrasyong Duterte na mag-pokus sa sektor ng agrikultura sa taong 2019.

Ayon kay Dominguez, nakasentro ang pamahalaan sa pagtatanim at lokal na produksyon sa susunod na taon.

Tugon umano ito ng pamahalaan sa mga nakaraang epekto ng inflation sa bansa.

Sinabi ng kalihim na babawi ang pamahalaan sa mga pagkukulang sa pangangailangan ng agriculture sector nitong taon.

Ayon sa NEDA, umabot sa P17B halaga ng agricultural products ang nalugi sa bansa nitong 2018 dahil sa sunod-sunod na kalamidad.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *