Bahay ni

Bahay ni Pang. Duterte, dinagsa ng mga namamasko

National News Regional

DINAGSA umano ng libu-libong namamasko ang bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Central Park Subdivision, Davao City.

Ito ay dahil sa gift giving ni Pangulong Duterte kahapon sa kaniyang tahanan sa Davao.

Umabot sa halos isang kilometro ang pila ng mga gustong makatanggap ng aginaldo mula kay Pangulong Duterte.

Ayon ito sa Davao City Police Office (DCPO).

Ang pamimigay ng regalo ay nakagawian na ng Pamilya Duterte para sa mga taga-Davao tuwing araw ng pasko.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *