Batang lalaking migrante

Batang lalaking migrante, nasawi sa pangangalaga ng U.S. border patrol

International.

ISANG batang lalaking migrante mula Guatemala ang namatay habang nasa pangangalaga ng U.S. Border patrol.

Ang nasabing bata ay nadetine matapos iligal na tumawid ng U.S.-Mexico border kasama ang mga magulang.

Kinilala ang walong taong gulang na biktima na si Felipe Alonzo-Gomez na namatay sa isang ospital sa New Mexico.

Makaraan lamang ang ilang minuto noong hatinggabi ng Martes, ng Disyembre 25 sa araw ng pasko.

Hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng bata.

Habang inabisuhan na ang Inspector-General ng Dept. of Homeland Security’s at ang gobyerno ng Guatemala kaugnay sa kaso.

Si Felipe ang pangalawang bata na namatay habang nasa kustodiya ng US border patrol.

Matapos lamang masawi ang 7 taong gulang na Guatemalan na si Jakelin Caal noong Disyembre 13.

Ito ay dahil sa matinding lagnat at liver failure na nararanasan ng bata.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *