SAMPUNG sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasabay ng pagdiriwang kapaskuhan.
Sa kabila ito ng pinaigiting na kampanya ng BFP laban sa sunog.
Ayon sa BFP-National Capital Protection, pawang minor fire incidents lamang ang kanilang naitala sa Metro Manila.
Dagdag pa ng BFP,karamihan na pinagmulan ng sunog ay electrical problems.
Habang ang iba ay dahil sa paputok o naitapong bagay na may sindi.
Dahil dito, muling hinimok ng BFP ang publiko na iwasan ang paggamit ng mga Christmas light na sub-standard.
Huwag din anilang mag-overload ng gamit sa kuryente at agad ayusin ang mga depektibong wirings.