Kapaskuhan

Kapaskuhan sa buong bansa, naging mapayapa

National News

NAGING mapayapa ang pagdiriwang kahapon ng kapaskuhan sa buong bansa.

Ito ang ipinagmalaki ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde.

Bagaman nagkaroon ng insidente ng pamamaril sa Caloocan City at indiscriminate firing sa Pangasinan ay isolated case lamang ito.

At naging maayos naman ang selebrasyon ng Pasko.

Kasabay ng selebrasyon ay isinailalim sa full alert status ng PNP ang buong puwersa nito.

Upang tiyakin na magiging malaki anya ang naitulong ng pagpapakalat ng mga patrol cars ng PNP bukod pa ang deployment ng mga pulis.

Bilang bahagi ng pagpapaigting ng police visibility sa mga lugar na dinarayo ng mga tao sa tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Kabilang dito ang mga simbahan, pook pasyalan, malls at mga terminals.

Samantala, hindi na rin magpapatupad ang PNP ng pagbubusal ng mga baril.

Para lamang matiyak na hindi ito magagamit sa pagsalubong sa bagong taon.

Nagbabala naman si Albayalde sa mga kapulisan na huwag masasangkot sa indiscriminate firing.

Upang maiwasang makapambiktima ng mga inosenteng sibilyan.

Ang sinumang pulis na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa taong 2019 ay sisibakin sa puwesto at posibleng matanggal sa serbisyo.

Wala naman silang namonitor na may mga insidenteng karahasan na naitala sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa pagdiriwang ng pasko.

Ayon ito kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PDir. Guillermo Eleazar.

Maliban ang inisidenteng pamamaril ng isang pulis sa isang lamayan sa Barangay 28, Caloocan City kungsaan walo katao ang sugatan.

Kinilala ang pulis na namaril na si PO1 Danilo Tiempo.

Sa salaysay ni Tiempo kay Eleazar, nagalit umano siya ng makitang sugatan ang ama na binugbog ng isa sa mga biktima na nakilalang si Jaylord Balais.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na pulis.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *