NDRRMC

NDRRMC naghahanda na sa epekto ng Bagyong Usman

National News

NAKATAKDANG magpulong ang mga miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong Usman.

Ngayong araw pangungunahan ni NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad ang pre-disaster risk assessment meeting sa Kampo Aguinaldo.

Kahapon nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Usman.

Ayon sa Pagasa, ito na ang ika-21 bagyo na pumasok sa PAR ngayong taon.

Sa taya ng Pagasa taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km kada oras malapit sa gitna.

At pagbugsong aabot sa 60km kada oras.

Dagdag pa ng weather bureau unang maaapektuhan ng bagyo ang Eastern Visayas at Bicol Region.

Posible ring maapektuhan ng bagyo ang Caraga Region sa Mindanao at Central Visayas.

Ang natitirang bahagi ng Visayas, Bicol, Calabarzon, MIMAROPA, at Metro Manila ay magiging maulan sa Biyernes at sa Sabado.

Makararanas din ng pag-ulan ang Luzon.

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *