Overnight parking

Overnight parking sa NAIA Terminal 3, pansamantalang sususpendihin

Section

PANSAMANTALANG sususpendihin ang overnight parking o long-term parking sa lahat ng parking areas sa NAIA Terminal 3.

Simula ito sa Biyernes, December 28 hanggang Enero 3.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng pagdami ng bilang ng mga sasakyang pumapasok sa paliparan ngayong holiday season.

Nagiging dahilan ito ng kakulangan sa parking slots.

Papayagan pa rin naman anila ang mga sasakyan na gumamit ng pay parking areas pero para lamang sa limitadong oras.

Magbabalik ang overtime parking Enero 4, 2019.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *