Ako Bicol

Pumatay kay Ako Bicol Batocabe, hindi pa matukoy

National News

HINDI pa rin matukoy ng Philippine National Police (PNP) kung sino ang nasa likod sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group – Batocabe

Para tukuyin kung sino ang nasa likod sa pagpatay sa mambabatas.

Sa ngayon hindi pa maituturing ng PNP na election related ang insidente.

Sinabi ni Albayalde, na iniimbestigahan ngayon ng PNP ang komunistang NPA.

Kabilang ang mga pulitiko na may mga alagang private armed groups na posibleng may kinalaman sa pamamaslang.

May una nang inihayag ni PRO-5 Regional Police Director Chief Supt. Arnel Escobal na base sa kanilang intelligence report.

Aniya, may natatanggap na banta mula sa komunistang NPA si Batocabe.

Ayon kay Escobal, nababahala si Batocabe dahil may ilang mga pulitiko sa kanilang lugar ang may hawak na mga private armed groups.

 

DZARH1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *