Labing apat katao

Labing apat katao nasawi sa Camarines Norte dahil sa Bagyong Usman

Regional

UMAABOT na sa labing apat katao ang naitalang nasawi sa Camarines Norte dahil sa Bagyong Usman.

Kabilang dito ang dalawang bangkay na nakitang palutang-lutang sa karagatan ng Mercedes.

Apat na mag-iina din ang namatay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Barangay Pinagwarasan sa Bayan ng Basud.

Lima din ang nasawi sa Jose Panganiban at tatlo sa Labo, Camarines Norte na pawang mga biktima ng landslide.

Patuloy naman pinaghahanap ng mga otoridad ang isa katao na nawawala matapos ang landslide sa Labo.

Habang isa naman ang nasugatan sa Barangay Santa Milagrosa, Jose Panganiban.

Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang buong Camarines Norte.

Dahil sa mga pagbabaha at mga landslide sa iba’t ibang mga bayan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *