MNLF

MNLF kinondena ang pagsabog sa Southseas Mall sa Cotabato City

National News

MARIING kinondena ni Moro National Liberation Front (MNLF) faction chairman Muslimin Sema ang pagpapasabog sa Southseas Mall sa Cotabato City.

Naniniwala si Sema na target ng karahasan na isabotahe ang isinusulong na usapang pangkapayapaan lalo na ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Sema, tutol ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na magkaroon ng kasunduan ang mga Moro sa gobyerno.

Dahil labag ito sa kanilang personal na interes.

Gusto rin umanong harangin ng BIFF ang nakatakdang plebisito para sa BOL sa darating na Enero 21, 2019.

Tinawag naman ng chairman ng MNLF na duwag ang teroristang grupong nasa likod ng naturang pagpapasabog.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *