Nasawi

Nasawi at nawawala dahil sa Bagyong Usman, nadagdagan pa

National News

PUMALO na sa 85 katao ang bilang ng mga nasawi habang 21 ang nawawala at labinlima ang sugatan sa pananalasa ng Bagyong Usman.

Sa tala ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 85 na ang kumpirmadong patay bunsod ng Bagyong Usman.

Ayon kay NDRRMC Executive Dir. Ricardo Jalad, posibleng lumobo pa ang bilang ng mga nasawi.

Dahil patuloy ang search and rescue operations sa mga natabunan ng pagguho ng lupa sa Camarines Sur.

Samantala, base sa report ng NDRRMC, may kabuuang 48,348 na pamilya o 191,597 na indibidwal ang apektado ng Bagyong Usman.

Ito ay sa 457 na barangay ng MIMAROPA, Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 170 na evacuation centers ang ginagamit na pansamantalang tirahan.

Kabilang dito ang nasa 6,637 bilang na pamilya o 24,894 na indibidwal.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *