full alert status

Special Investigation Task Group para sa imbestigasyon sa Cotabato bombing, binuo

National News

BUMUO na ng Special Investigation Task Group ang PNP Region 12.

Para imbestigahan ang naganap na pagsabog sa isang mall sa Cotabato City noong Lunes.  

Binuo ang grupo para tutukan ang imbestigasyon sa pagsabog na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng tatlumpu’t apat na iba pa.

Ayon ito kay PNP Region 12 Regional Director Chief Superintendent Eliseo Rasco,

Sa inisyal na imbestigasyon, sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa entrance ng Southseas Mall malapit sa mga tindahan ng paputok.

Sa kaparehong araw, natagpuan din ang isang pang IED sa baggage counter ng mall na na-detonate ng bomb squad.

Naniniwala ang pulisya na ISIS-inspired group ang nasa likod ng pagpapasabog.

Una nang kinundena ng Malacañang ang insidente na naganap sa kabila ng umiiral na Martial Law sa Mindanao. 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *