Accomplishments ng Duterte administration

Accomplishments ng Duterte administration, ipinagmalaki

National News

IPINAGMALAKI ng Malacañang ang mga accomplishments ng Duterte administration sa taong 2018.

Kabilang umano sa nagawa ng administrasyon ang pagkakabalik ng “Balangiga Bells” sa Pilipinas.

Kabilang ang pagkakadeklara ng Philippine Rise bilang marine resource reserve.

Gayundin ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga OFW.

Maging ang muling pagbubukas ng Boracay Island.

Tinukoy din ng palasyo ang ilang mahahalagang batas na naipasa ng Kongreso at nilagdaan na ni Pangulong Duterte.

Nakasaad din sa ulat ng Palasyo na inirekomenda ng security cluster ang ilang hakbang na gagawin ng gobyerno.

Kabilang sa political, diplomatic and socio-economic impact ng arbitral tribunal award para sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Naresolba na rin umano ng Administrasyong Duterte ang peace process sa mga komunista at rebeldeng grupo.

Naging matagumpay din umano ang gobiyerno sa kampanya kontra iligal na droga kung saan nasa 115,435 drug operations na ang naisagawa.

Nasa 164,265 drug personalities ang naaresto habang 9,503 barangay ang naideklarang drug-free.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *