Mabilis na imbestigasyon

Mabilis na imbestigasyon ng PNP sa kaso ng pagpatay Batocabe, ikinatuwa

National News

IKINATUWA at nagpasalamat si Attorney Justin Batocabe sa resulta at mabilis na imbestigasyon ng PNP.

Kaugnay sa kaso ng pagpatay sa kanyang amang si AKO Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe.   

Sinabi ni Attorney Batocabe na kumbinsido siyang posibleng si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang utak sa pagpatay sa kanyang ama.

Gayunman, sinabi nito na kailangan pa masunod ang proseso ng korte hanggang tuluyang ma-convict si Mayor Baldo at anim pang mga suspek.

Binigay-diin din ng batang Batocabe na hindi nila matatanggap kailanman ang pagpatay sa kanyang ama.

Dahil lamang sa pera at posisyon sa pulitika.

Dagdag pa ni Attorney Batocabe, kasalukuyang pinag-uusapan na ng kanilang pamilya kung sino ang tatakbo sa pagkaalkalde ng Daraga sa 2019 midterm election.

Bilang kapalit ng napatay na kongresista.

Kinumpirma rin nito na maraming panawagan sa kanyang inang si Gertie Batocabe na pumalit sa kanyang ama. 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *