umaasa

NFA umaasa na mananatili ang kanilang functions

National News

UMAASA ang National Food Authority o NFA na mananatili ang kanilang enforcement at regulatory functions.

Ito ay kahit pa pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Bill.

Ipinunto ng NFA na mapanganib na iwanan ang rice sector sa open market ng walang anumang regulasyon.

Una na ring sinabi ng ahensya na kanilang aalamin ang magiging papel ng NFA sa hinaharap.

Kapag naisabatas na ang panukala na aprubado na ng Kongreso.

Sakaling pirmahan ng pangulo ang Rice Tarrification Bill ay magiging buffer stocking agency ang NFA.

Para masuportahan ang disaster relief programs ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *