Rehabilitasyon sa MRT-3

Rehabilitasyon sa MRT-3, sisimulan na ng DOTR

Metro Manila National News

SISIMULAN na sa pagitan ng huling linggo ng buwan at unang linggo ng Pebrero ang rehabilitasyon sa MRT-3.

Uumpisahan ang rehabilitation works sa 72 light rail vehicles na bumubuo sa MRT-3 fleet.

At isasagawa ito ng Japanese Consortium Sumitomo-Mitsubishi Corporation gamit ang 18-billion-peso loan mula sa Japanese government.

Ayon ito kay Department of Transportation (DOTr) communications director Goddes Libiran.

Tatagal aniya ang rehabilitasyon ng hanggang 43 buwan, kabilang ang periodic maintenance.

Sinabi ni Libiran na upang maiwasan ang inconvenience ng 360,000 na mananakay ng MRT, mananatili sa 15 ang average na tumatakbong tren.

At dadagdagan ito sa kasagsagan ng 26-month overhaul.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *