trapiko sa

Trapiko sa Metro Manila, asahang muling bibigat

Metro News

ASAHAN na daw ang muling pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasunod ng pagbabalik ng libu-libong biyahero mula sa mga lalawigan kung saan nagpalipas ng holiday season.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, ang mga motorista mula sa norte ay makakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko pagdating ng Balintawak sa Quezon City.

Gayundin sa Magallanes, Makati para naman sa mga galing ng southern part.

Sinabi ni Nebrija na asahan din ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga bus terminals sa EDSA.

Dahil dito, balik na rin ang pagpapatupad ng number coding sa Metro Manila.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *