Itim na Nazareno

Mga deboto sa Itim na Nazareno, patuloy ang pagdating sa PRC

Metro News National News

PATULOY ang pagdating sa medical station ng Philippine Red Cross (PRC) ng mga debotong nasugatan at sumasama ang pakiramdam.

Sa nagpapatuloy na Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sa datos ng Red Cross, umabot na sa 615 na katao ang kanilang nabigyan ng medical assistance.

Kabilang dito ang 469 na katao na nagpatingin ng kanilang blood pressure.

Nasa 134 na katao ang nahirapang huminga, hinimatay, nagkapasa, nagalusan at sumakit ang ngipin.

Habang walo ang naitalang major cases kung saan tatlo rito ang dinala sa pinakamalapit na ospital.

Tiniyak naman Red Cross na may sapat silang tauhan sa kanilang medical station para magbigay ng tulong sa mga deboto.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *