Philippine CHR

Philippine CHR at Qatar Human Rights Committee, lumagda ng kasunduan

National News

LUMAGDA ng kasunduan ang Commission on Human Rights o Philippine CHR at National Human Rights Committee (NHRC) ng Qatar.

Para ito sa proteksyon ng karapatan ng mga Overseas Filipino Worker at kanilang pamilya doon.

Pinangunahan ang pagpirma ng cooperation agreement nina CHR Chairperson Chito Gascon at NHRC of Qatar Chair Dr. Ali bin Smaikh Al Marri.

Ayon kay Gascon, maaaring lumapit sa Human Right Committee ng Qatar ang mga OFW.

Kapag ang mga ito ay nakararanas ng maling pagtrato at iba pang bagay na tingin nila ay paglabag sa kanilang karapatang pantao.

Aminado naman si Al Marri na karamihan sa mga problema ng OFW doon ay ang delay na sahod at pahirapan sa pagkuha ng exit permit.

Sinabi ni Al Marri na kukuha sila ng Filipino volunteers para ito mismo ang gagabay sa mga dudulog na mga Filipino migrant.

Ang National Human Rights Committee ang magrerekomenda ng mga problema ng mga OFW sa mga concerned agency sa Qatar.

Sa datos, mahigit 250, 000 mga Filipino ang nasa bansang Qatar.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *