Salary hike

Salary hike ng mga kawani ng pamahalaan iginiit na hindi maipatupad

National News

SENTRO sa pulong balitaan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang salary hike.

Ito’y sa mga kawani ng pamahalaan, infrastracture spending at flood control projects ng gobyerno at sagot nito sa mga alegasyon laban sa kanya.

Nilinaw ni Diokno na agad na i-a-aplay ang ikaapat na bugso ng compensation adjustments kapag naipasa na ang 2019 General Appropriations Bill (GAB).

Paliwanag ng kalihim, hindi maaaring ipatupad ang nakatakdang salary hike ngayong buwan ng Enero ng walang basehan ng appropriations.

Aniya, dahil nakabinbin pa sa Kongreso ang 2019 General Appropriations Bill ay patuloy na matatanggap ng mga government employee ang salary index ng ikatlong bugso ng compensation adjustment.

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *