pagtataas

Walang nakitang pagtataas sa presyo ng bilihin sa isang supermarket sa Libis, QC.

National News

WALANG nakitang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ito ay sa kanilang pag-iikot sa isang supermarket sa Libis, Quezon City.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, mas mababa ng halos piso mula sa Suggested Retail Price o SRP ang mga ibinebentang pangunahing bilihin.

Tulad ng mga canned goods at tinapay.

Kaugnay nito, wala namang nakikitang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang DTI sa mga susunod na linggo.

Dahil na rin sa mababang presyuhan ng langis

Samantala, sinilip naman ng Sugar Regulatory Administration o SRA ang mataas na bentahan ng imported sugar.

Lagpas ito sa itinakdang SRP ng DTI.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *