Yasay

Ex-DFA Sec. Yasay Jr., ibinunyag ang iligal na gumagawa ng E-Passports

National News

IBINUNYAG ni dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr. na mayroong isang private printing company ang iligal na gumagawa ng Electronic passports.

Ito ay para sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang pahayag ni Yasay kasunod ng insidente ng umano’y pagtakas ng gumagawa ng passport para sa DFA.

Tangay nito ang mga personal data ng publiko at iba pang dokumento.

Naniniwala ang dating kalihim na ang naturang insidente ay bahagi lamang ng mas malaking kuwento.

Ayon kay Yasay, Agosto 1 2016 nang pumasok sa isang kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at DFA.

Ito’y sa pagbili at centralized production ng Machine-Readable Electronic Passports (MRPs).

Bilang compliance sa standards na itinakda ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Sa pamamagitan ng bidding, nakuha ng Francois-Charles Oberthur Fiduciare (FCOF) ang main part ng proyekto.

Nabigo ang FCOF na gawin ang itinakdang standards ng ICAO sa mga pasaport.

Kaya muling ini-award ng DFA ang production ng bagong e-passort system sa Apo Production Unit Inc. (APUI).

Ayon kay Yasay, may nilabag sa probisyon ng kontrata ang Apo Production Unit Inc. (APUI).

Kungsaan ay nagbigay ng sub-contract sa United Graphic Expression Corporation.

Nakasaad sa probisyon na hindi maaring mag-subcontract ang kompanya sa anumang private company para sa naturang proyekto.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *