ilang

Ilang bahagi ng Taguig City at Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig

Metro News

MAKARARANAS ng water interruption ang ilang barangay sa Taguig City at Quezon City ngayong araw.

Sa abiso ng Manila Water, simula mamayang 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga bukas ay nawawalan ng tubig ilang bahagi ng Quezon City.

Kabilang dito ang Barangay East Kamias, West Kamias, Pinyahan at Quirino 2C.

Habang mula 10:00 ng gabi mamaya hanggang 4:00 ng umaga bukas ang water interruption sa dalawang barangay ng Taguig City.

Kabilang dito ang Barangay New Lower Bicutan at Barangay Bagong Calzada.

Inaabisuhan ang mga apektadong residente ng mga nabanggit na lugar na mag-ipon ng tubig na kanilang kakailanganin para sa nasabing mga oras.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *