Mayoralty

Mayoralty candidate ng Buenavista, Bohol, tinambangan

Regional

TINAMBANGAN ng mga armadong kalalakihan ang isang mayoralty candidate ng Buenavista, Bohol.

Nangyari ito sa Barangay Tulang, Getafe, Bohol kahapon ng hapon.

Naganap ito sa ikalawang araw ng pagsisimula ng election period sa bansa.

Ayon ito kay Police Regional Office (PRO)-7 Director Chief Supt. Debold Sinas.

Nakaligtas sa pamamaril ang kumakandidato sa pagka-alkalde na si Atty. Rio Cabarubias, subalit patay ang driver nito na si Conrado AƱasco.

Nabatid na si Cabarubias ay subject for election protest ni incumbent Buenavista Mayor Atty. Dave Duallo.

Kung saan kinuwestyon ng alkalde ang pagkalehitimo ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) nito.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo at nasa likod ng krimen.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *