Rockets

Houston Rockets, wagi laban sa Memphis Grizzlies sa iskor na 112-94

Sports

NAG-paulan ang Houston Rockets point guard na si James Harden ng tumataginting na mahigit 50 points sa laban ng kanilang kopunan kontra Memphis Grizzlies.

Binitbit ng 57 points ni Harden ang Houston Rockets patungo sa pagkapanalo nito laban sa Grizzlies sa score na 112-94.

Ito na ang ika-tatlong beses na umani si Harden ng 50 points ngayon season at ika-labing dalawa sa kaniyang basketball career.

Kasabay nito ay napalawig din ng MVP player ang kaniyang 30-point games streak sa labing pito.

Matapos mag-buhos ng 36 points sa loob lamang ng dalawang quarter.

Ito na ang tinatayang pinagka-habang streak na naitala sa NBA mula pa noong panahon ni Wilt Chamberlain.

Nakapagtala si Chamberlain ng 20 straight games na may 30 points noong 1964.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *