nakikipag-ugnayan

OPAPP, nanindigan na hindi sila nakikipag-ugnayan sa CPP

National News

NANINDIGAN ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na hindi sila nakikipag-ugnayan sa komunistang grupo.

Particular kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison.

Ito ang pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Rolando Bautista.

Sinabi ni Bautista na mula nang mabasura ang peace talks noong 2017 ay walang pag-uusap ang gobiyerno at komunistang grupo.

Ayon kay Sec. Bautista, hindi nila nakikita ang pangangailangan sa ngayon na muling bumalik sa negotiating table.

Dahil taliwas ang mga ipinakikitang indikasyon ng CPP-NPA para sa peace talks.

Nanindigan si Bautista na ang localized peace talks ang isinusulong at suportado ni Pangulong Duterte.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *