hirit

VP Robredo, tutol sa hirit ni dating Sen. Marcos

National News

TUTOL si Vice President Leni Robredo sa hirit ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Na kumuha ng ebidensya ng umano’y election fraud mula sa Mindanao.

Sa pamamamitan ng kanyang mga abugado ay hinimok ni Robredo ang Supreme Court na siyang Presidential Electoral Tribunal (PET).

Na aniya ay ibasura ang mosyon ni Marcos dahil sa kakulangan ng merito.

Giit ng kampo ng bise presidente, hindi maaaring maging subject sa anumang technical examination ang mga lalawigan ng Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Hindi naman daw kabilang sa designated pilot provinces sa kasalukuyang stage ng poll protest ng dating mambabatas.

Kasama lamang sa pilot provinces na pinili ni Marcos na mapasama sa manu-manong vote recount ay ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *