boto

Ilang NBA stars, patuloy ang pagtaas ng boto

Sports

NAKAKUHA ng maraming boto mula sa NBA players, fans at media si Golden State Warrior Star Stephen Curry.

Gayundin sina Derrick Rose ng Minnesota Timberwolves at James Harden ng Houston Rockets.

Para sa Western Conference Guard na maglalaro sa 68th NBA All-Star Game.

Batay ito sa pinakahuling NBA All-Star voting results kung saan pinangalanan ang all-star starters base sa boto.

Kabilang dito ng mga fans, 50 percent; NBA players, 25 percent at media, 25 percent.

Nananatili naman sa labas ng all-star fan voting si Kevin Durant ng Warriors.

Kung saan nangunguna naman ang Los Angeles Lakers star na si Lebron James sa frontcourt.

Habang pasok din sa Top 3 si Dallas Rookie Luka Doncic at Oklahoma City’s Paul George.

Gaganapin ang 2019 NBA All-Star sa Pebrero 17 sa Charlotte, North Carolina.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *