pananambang

Pananambang sa dating Cebu prosecutor, iimbestigahan

National News

IPINAG-utos na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pananambang sa dating prosekyutor sa Cebu City.

Inatasan ang NBI na kilalanin ang mga salarin sa pagpatay kay former Prosecutor Mary Ann Castro sa lalong madaling panahon.

Ayon ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Huwebes ng gabi ng pagbabarilin si Castro habang minamaneho ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng Escario Street, Barangay Kabutao sa Cebu.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan at isa sa leeg ang biktima.

Kinundena rin ng Cebu lawyers ang nangyaring pagpatay at hinikayat ang mga otoridad na panagutin ang mga nasa likod ng krimen.

Kabilang sa tinitingnang motibo ng pagpatay ang personal grudge at mga isyu na may kinalaman sa dati nitong trabaho.

Attorney Antonio De los Reyes, pinadidis-bar ng Supreme Court

IPINAG-utos na Supreme Court ang pag-disbar sa dating vice-president ng Legal and Administrative Group ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC).

Kinilala ito na si Attorney Antonio de los Reyes dahil sa sextortion.

Ayon sa Korte Suprema, napatunayang guilty si De Los Reyes sa gross immoral conduct at mga paglabag sa code of professional responsibility.

Nang abusuhin nito ang kapangyarihan para makakuha ng sexual favors sa kanyang sekretarya.

Iginiit ng kataas-taasang hukuman na ang good moral character ay hindi lamang prerequisite para sa isang abogado.

Kundi ito ay continuing requirement sa pagpa-practice ng law.

Lumabas sa imbestigasyon na pinipilit ng abogado ang kanyang sekretarya na gumawa ng sexual favors sa kanya para hindi ito matanggal sa trabaho.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *