salary increase

Salary increase sa mga LGU at GOCC employee, pinayagan na

National News

PINAYAGAN na ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pagpapalabas ng fourth tranche ng salary increase.

Pero tanging sa mga empleyado lang ng Local Government Units (LGUs) at Government-Owned and -Controlled Corporation (GOCC).

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andya Jr, nakuha niya na ang adlawang circulars ng Department of Budget and Management (DBM).

Nagpapahintulot ito sa LGUs at GOCCs na maglabas ng ika-apat na tranche ng taas sahod sa kanilang mga empleyado.

Ito ay sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Ang local budget Circular No. 118 at Corporate Budget Circular No. 23 ay pawang nilagdaan ni Diokno noong Enero 15 at epekto nang Enero 1.

Sinabi ni Andaya na sa pagpapalabas ng naturang circulars ay nagpapakita lamang na natauhan na si Diokno.

Matatandaang iginiit ni Andaya na dapat ipalabas ngayong taon ng DBM ang pagpapalabas ng ika-apat na tranche ng salary increase.

Ang salary increase ay para sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *